Maraming nakapapansing tila mas lalo raw gumaganda at glowing ang alindog ng social media personality na si Zeinab Harake dahil sa kaniyang jowang si Fil-Am basketball player Bobby Ray Parks, Jr.

Nag-Instagram post kasi ulit si Zeinab kasama si Bobby Ray at nilagyan ito ng caption na "I 👀 the king in you. 🖤 (I see the king in you).

Bobby Ray kay Zeinab: 'Lock you up and throw away the key!'

View this post on Instagram

A post shared by @zeinab_harake

Sey ng mga netizen, tila bumabalik na raw ang katawan ni Zeinab sa dati, at mas mukha itong blooming at masaya ngayon. "Alagang Parks" daw!

"Isang malaking DESERVE!"

"Bagay na bagay kayooooo!!!"

"Lalong lumutang ang ganda ni Zeinab."

"Bumabalik na rin yun dati mong shape. Noong nakaraan kasi ampayat mo. Ang ganda-ganda mo lalo ngayon."

"Iba talaga ang glow pag nasa tamang tao."

Matatandaang inamin ni Zeinab sa "Fast Talk with Boy Abunda" na sila na nga ni Bobby Ray.