Inanunsyo ng noontime show na “It’s Showtime” na magge-guest sa Lunes, Hulyo 17, ang Kapuso singer-actress na si Julie Anne San Jose.
First time mapapanood si Julie Anne sa isang programa ng ABS-CBN, kagaya rin ng ibang Kapuso stars na present sa grand launching ng show sa GTV noong Hulyo 1.
“Madlang People! Game na game sa pasabog performance ang hatid sa atin ni Kapuso star JULIE ANNE SAN JOSE this Monday sa It's Showtime! Abangan! 💙☀️💜,” mababasang caption ng anunsyo ngayong Linggo, Hulyo 16, na nauna nang napaulat sa Balita.
Sa comment section ng FB post ay excited na ang mga Madlang People at Madlang Kapuso, lalo na ang mga tagahanga ni Julie Anne.
Kagaya kasi nina Barbie Forteza, Sanya Lopez, at Gabbi Garcia, ito ang unang beses na mag-aappear ang beauty ni Julie Anne sa isang Kapamilya show.
May ilang netizen naman ang napapatanong kung magkukrus ang mga landas nila ni Jolina Magdangal-Escueta, na isa sa mga hurado ng "Tawag ng Tanghalan."
Matatandaang nagbardagulan sa social media kamakailan ang fans ng dalawa dahil sa titulong "Pop Icon."