Mahigit sa ₱12,000 ang ipamamahagi sa bawat lumikas na pamilyang apektado ng pag-aalburoto ng Mayon Volcano sa Albay.

Ito ang inihayag ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) nitong Linggo kasabay na rin ng pagpapatuloy ng pamamahagi nito ng Emergency Cash Transfer (ECT)sa San Andres sa Sto. Domingo at San Jose, Malilipot, Albay.

Nasa 2,383 pamilya na nananatili pa rin sa mga evacuation center ang target na mabigyan ng ₱12,330 ayuda.

National

Nancy Binay, nilinaw na 'di kaaway ang kapatid na si Abby: 'Pamilya pa rin kami!'

Ayon sa DSWD Bicol Regional Office, aabot sa ₱10,334,084.00 ang mapakikinabangan ng mga nasabing pamilya.

Paliwanag ng ahensya, ang mga nabanggit na pamilya ay lumikas sa kani-kanilang lugar na saklaw ng 6-kilometer radius permanent danger zone (PDZ) dahil na rin sa tumitinding pag-aalburoto ng bulkan.