Nagbigay ulit ng kaniyang pananaw, aral at advice si Unkabogable Star at "It's Showtime" host Vice Ganda sa isang napiling kalahok sa segment na "Rampanalo" nitong Sabado, Hulyo 15, 2023.

Nabanggit kasi ng isang kalahok na nagngangalang "Bryan" na dati siyang service crew at sa ngayon ay job seeker siya.

Nang usisain ni Vice kung anong balak niyang pasukan at hinahanap na trabaho, sinabi ni Bryan na kahit ano, basta marangal.

Sansala naman ng komedyante-TV host, dapat daw ay mas tiyak at may plano sa buhay para alam kaagad ang gagawin. Paggising pa lamang at pagkaligo, dapat alam na raw kung saan pupunta at hindi na iniisip pa.

'Huwag i-romanticize ang poverty' real talk ni Vice Ganda, umani ng saloobin sa netizens

"Kailangang araw-araw, meron tayong plano," giit pa ni Vice. "Hindi puwede yung kung ano na lang meron, 'di ba?"

"We change the mindset! Hindi puwedeng gigising tayo kung anong meron na lang at kung ano na lang ang puwede. Kailangang meron tayong plano at iyon ang kakapitan natin..."

"Little by little, we change the mindset," hirit pa ng TV host. "Hindi puwede yung basta-basta na lang!"

Matatandaang isang Rampanalo contestant din ang napagsabihan ni Vice hinggil naman sa "poverty."

“Mindset, mindset, mindset! ‘Mahirap ako ngayon, mabuting tao ako, pero tatakas ako sa kahirapan. Magiging mayaman ako at mabuting tao pa rin.’ Huwag nating i-romanticize ang poverty,” giit ng komedyante.