Ibinahagi ng Kapamilya actress na si Jane Oineza sa kaniyang interview kay Mama Loi Villarama, na hindi siya kinakabahan kahit mapanood ng boyfriend niyang si RK Bagatsing ang kaniyang sexy scenes sa "Nag-aapoy na Damdamin," isa sa mga teleseryeng nasa ilalim ng kolaborasyon ng ABS-CBN at TV5.

Nausisa ang aktres kung marami raw bang sexy scenes sa kanilang teleserye.

“Marami bang sexy scences dito?” tanong ni Mama Loi.

Direkta naman itong sinagot ni Jane.

Jane Oineza, hindi raw nainip bumida: ‘Tiwala ako sa Star Magic’

“Ay nakapadami. Pilot week pa lang, not once, not twice, not thrice, I’m not sure but super dami, kaya ayan ang dapat nilang abangan talaga,” ani Jane.

“May napanood na ba si Rk Bagatsing, ano kayang reaksiyon?” pasundot pang tanong ni Mama Loi.

“Manonood pa lang dahil sa Saturday, mayroon kaming screening na back-to-back with ‘Pira-piraso’,” aniya.

“Hindi ka kinakabahan kapag napanood niya?” follow-up question ulit ni Mama Loi.

“Hindi naman, kasi alam naman din niya at naikukuwento ko rin naman ang lahat-lahat. Wala naman kaming tinatago sa isa’t isa. So, baka siya ‘yong kabahan,” dagdag pa niya.

“Ako rin naman kapag may mga eksena din naman siyang ganon parang full support pa rin naman kami sa isa’t isa. So, okay lang ‘yon,” huling sey ni Jane sa nasabing topic.

Sa kabilang banda, may sey rin si Jane tungkol sa kaniyang first lead role sa nasabing teleserye.