Nagbigay raw ng reaksiyon si Kapuso star Bea Alonzo sa napabalitang mapupush na raw ang naunsyaming pelikula sana nila ni Alden Richards na isang Korean movie adaptation, at ang pumalit sa kaniya ay si Julia Barretto.

Sa ulat ng PEP, sinabi ni Bea na kung anuman daw ang intensyon kung bakit si Julia ang ipinalit sa kaniya, wala na raw siyang sey dahil hindi na siya kasama sa proyekto.

Ang pelikula ay ipo-produce ng GMA Pictures, VIVA Films, at APT Entertainment. Mas nauna pa nga itong i-anunsyo kaysa sa "Start-Up PH" nila ni Alden, at bago pa siya maging opisyal na Kapuso.

"Kung ano mang rason, kung sinadya man o hindi, wala na ako roon, kasi wala na ako sa proyekto. Nasa sa kanila na yun," pahayag daw ni Bea sa panayam.

Julia Barretto, tagasalo ni Bea Alonzo sa naunsyaming pelikula nila ni Alden

Nauntag din nila si Bea kung anong naramdaman niyang si Julia ang ipinalit sa kaniya.

“Wala naman akong... ito, ang totoo, dahil wala na ako sa project, ayoko rin bigyan ng kahit na anong meaning. Unang-una, wala na ako sa project at wala na rin ako sa relasyon na yun. Matagal na… matagal na tayong naka-move on lahat. Siguro, parang hindi na karapat-dapat na pag-usapan pa. At yun nga, paulit-ulit kong sasabihin, everything that’s meant for me will not pass me by and what’s meant for me will find its way," anang Bea.

Matatandaang nagkaroon ng "gap" sa pagitan nina Bea at Julia dahil sa ex-jowa ng una na si Kapamilya actor Gerald Anderson, na present boyfie naman ng huli.

Inamin ni Bea sa panayam sa "Fast Talk with Boy Abunda" na nagkaroon sila ng samaan ng loob ni Alden, habang ginagawa ang kanilang unang pagtatambal sa serye.

https://balita.net.ph/2023/07/15/samaan-ng-loob-kay-alden-kinumpirma-ni-bea-but-di-kami-nag-away/

Ito raw kasi ang itinuturong dahilan kung bakit hindi na naitulak pa ang proyekto.

https://balita.net.ph/2023/04/25/sino-sa-dalawa-movie-project-nina-bea-alden-ligwak-daw-dahil-sa-attitude-problem/

Sa inilabas na opisyal na pahayag ng GMA, ang dahilan daw ay conflict of schedule.