Mukhang bet ni Kapuso star Barbie Forteza na maharana rin siya ng kaniyang on-screen partner na si David Licauco, matapos ang pinag-usapan nitong harana sa mga kandidata ng "Miss Grand Philippines 2023" kamakailan.

Sa kaniyang tweet noong Hulyo 14, tinag ni Barbie si David at hiniritang kailan naman siya makakantahan nito.

"Pansin ko, ang dami mo ng nakantahan," hirit ng tinaguriang Kapuso Primetime Princess.

"Ako kaya, kelan mo kakantahan? @davidlicauco," dagdag pa.

Harana ni David Licauco sa Miss Grand PH, naokray; Luis Hontiveros, 'nakaladkad'

https://twitter.com/dealwithBARBIE/status/1679705101919997952

Game na tugon naman ng tinaguriang "Pambansang Ginoo," "Akong bahala basta takpan mo lang ears mo ha 😆😆."

https://twitter.com/davidlicauco/status/1679731042746286082

Matatandaang "naokray" ang pagkanta ni David ng "Wherever You Will Go" dahil sa tila mababa raw nitong energy sa pag-awit na para daw inaantok na.

Naikumpara pa nga ito sa naokray din na serenade ng isa pang Kapuso artist na si Luis Hontiveros sa Miss Pagadian 2023 kamakailan.

Anyway, magtatambal na ulit sa Primetime ng Kapuso Network sina Barbie at David, para sa seryeng "Maging Sino Ka Man," na TV adaptation ng pelikulang pinagbidahan noon nina Robin Padilla at Sharon Cuneta.