Umani ng papuri at paghanga mula sa mga netizen ang isang tricycle driver mula sa North Caloocan City, matapos daw nitong isauli sa sumakay na pasahero ang nalaglag na cellphone ng anak nito, na nakita niya sa loob ng kaniyang minamanehong sasakyan.

Ayon sa Facebook post ng uploader na si Rose Geraldo, sa panahon ngayon ay mga ganitong tao raw ang dapat na pinapasikat at fine-flex sa social media upang pamarisan at magbigay ng inspirasyon sa iba.

Kahit hindi na naitanong ang pangalan, ibinahagi pa rin ni Rose ang larawan ng tricycle driver sa isang online community.

"Shout out sa'yo Kuya (sorry di ko natanong name🥹) Caadtoda tricycle body no. 451. Maraming-maraming salamat sa pagsoli ng cellphone ng anak ko."

Trending

Co-founder ng Lola Nena’s nagsalita sa isyu ng ‘working lunch’ video

"Akala namin naiwan lang ng anak ko sa bahay pagpunta namin school, nahulog pala sa tricycle. Pagpalain ka pa ng mas marami sa kabutihang-loob mo. God bless sa'yo, kuya.

Photo courtesy: Rose Geraldo's FB via Barangay 178 phase 6 camarin Caloocan city FB page

Photo courtesy: Rose Geraldo's FB via Barangay 178 phase 6 camarin Caloocan city FB page

Ayon sa eksklusibong panayam ng Balita kay Rose, hindi raw siya makapaniwalang magba-viral ang kaniyang FB post.

Sa puntong ito, tila nalaman na raw niya ang pangalan ng driver. Siya pala si "Kuya Randy."

"Honest people like Kuya Randy should be commended for doing a good deed," ani Rose.

Kudos, Kuya Randy!

---

Nais mo bang mai-feature ang iyong storya o ‘di kaya mayroon kang larawan at video na gusto mong i-share? I-message mo lang kami sa aming Facebook at Twitter!