Nagbigay-saloobin na rin ang actress-singer na si Sarah Geronimo hinggil sa guwardiya na inihulog ang isang aso mula sa footbridge.

Sa Instagram story ni Sarah nitong Biyernes, Hulyo 14, makikita ang mismong biktimang aso na wala nang buhay sa kahon.

Inihayag niyang dapat ang mga security guard ang nagbibigay-proteksiyon dahil gampanin nilang mamahala sa seguridad ng sinumang nabubuhay.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

“A security guard is supposed to PROTECT LIVES,” aniya.

“Brownie should have been counted as one too,” dagdag pa niya.

Nakiisa rin si Sarah sa isang animal foundation at iba pang animal welfare advocates para makamit ang hustisya ng inosenteng aso.

“We join Animal Kingdom Foundation and fellow animal welfare advocates in the efforts to get justice for the innocent puppy,” ani Sarah.

Sa huli, makikita rin ang “#STOPANIMALCRUELTY” sa kaniyang Instagram story.