Mula na mismo kay Bea Alonzo ang kumpirmasyong nagkaroon sila ng di-pagkakaunawaan ni Alden Richards habang nagte-taping sila ng seryeng "Start-Up PH" na Pinoy adaptation ng South Korean series.

Muling nakapanayam sa "Fast Talk with Boy Abunda" si Bea para sa promotion ng "Battle of the Judges."

Diretsahang tinanong ni Boy si Bea kung totoo bang nagkagalit sila ni Alden.

Matatandaang ito umano ang itinuturong dahilan kung bakit napurnada na ang unang pelikulang pagtatambalan sana nila.

'Sino sa dalawa?' Movie project nina Bea, Alden ligwak daw dahil sa 'attitude problem'

Sey ni Bea, "Nagkaroon kami ng sama ng loob but hindi kami nag-away."

“We have different backgrounds. I think nagkaroon lang ng mga misunderstandings while on set. But we were able to talk about it."

“I remember we were on the plane going to Davao while we were promoting ‘Start-Up PH’, pinag-usapan namin like mature people and we were able to sort things out,” dagdag pa.

Si Alden ang host ng Battle of the Judges.

Sa panayam ding ito, buong tapang na sinabi ni Bea na hindi siya takot malaos.

https://balita.net.ph/2023/07/14/bea-alonzo-di-raw-takot-malaos-i-believe-lahat-tayo-darating-doon/