Tutuluyang sampahan ng demanda ni Claudine Barretto ang dating sexy star na si Sabrina M, kung hindi raw ito maglalabas ng public apology sa loob ng tatlong araw, pagsisiwalat ng showbiz insider na si Cristy Fermin.

Ayon kay Cristy, sinabi ng legal counsel ni Claudine na si Atty. Ferdinand Topacio na itutuloy na nga ni Claudine ang demanda, na nag-ugat sa mga naging pahayag ni Sabrina M patungkol sa yumaong aktor na si Rico Yan.

Claim kasi ni Sabrina sa isang press conference ng comeback movie na "Manang," nagkaroon umano sila ng dalawang taong relasyon ni Rico bago ito mamatay noong Marso 29, 2002.

Aware daw si Claudine tungkol dito subalit hindi nila napag-usapan.

Claudine nabuwisit, balak daw magdemanda laban kay Sabrina M?

Bagay na pinalagan naman ni Claudine; nakausap din nito ang kaibigan ni Sabrina na si Katrina Paula, dati ring sexy star, at mula rito ay kinumpirmang hindi totoo ang mga sinabi ng kaibigan.

Ibinahagi pa ni Claudine ang larawan nila ni Katrina, na tinawag niyang "new friend/sister." Nagkasama sila sa pelikulang "Loyalista" na biopic movie ng Jukebox Queen na si Imelda Papin.

https://balita.net.ph/2023/07/13/claudine-barretto-kay-katrina-paula-thank-you-for-telling-the-truth/

"Ito ngayon ang malinaw, puwede pong magdemanda ang sinuman basta malapit doon sa taong inaagrabyado," paglilinaw ni Cristy sa mga pahayag ng abogado, matapos itong maka-experience ng internet interruption habang kinakapanayam.

“At sa pagkakataong po ito, si Atty. Ferdie Topacio ang gagawa ng paraan para kasuhan si Sabrina M kapag hindi humingi ng public apology si Sabrina M kay Claudine Barretto at sa pamilya ni Rico Yan,” dagdag pa.

Habang isinusulat ang balitang ito, wala pang public apology na inilalabas si Sabrina.