Buong tapang na sinabi ng Kapuso actor na si Alden Richards sa kaniyang interview sa “Fast Talk with Boy Abunda,” na hindi pa raw niya kayang kumawala sa pag-aartista.

Sa panayam kay Alden, napag-usapan nila ni Tito Boy ang tungkol sa karera ng pagiging isang artista.

Itinanong sa kaniya ni Tito Boy kung kaya niya na raw bang mabuhay kapag piniling kumawala na sa buhay-showbiz.

“If you were to lose all your jobs, hypothetical, ‘wag naman ho mangyayari. Halimbawa you decide, that you want to quit tomorrow, kaya mo na bang mabuhay nang komportable for the rest of your life?” tanong ni Tito Boy.

National

Painting ni Amorsolo sa private museum sa NegOcc, ninakaw!

Direkta naman itong sinagot ni Alden.

“No, hindi po. There is (a) wise man who once told me that never kill the goose that lays the golden egg and right now po, that’s my career,” aniya.

“Huge chunks of my income comes still from my job po as an actor, as an artist. So, mahal ko po ang trabaho ko, hindi pa po nawawala iyong passion ko sa kaniya, with of course all the things coming my way now,” dagdag pa niya.

Sa huli, sinabi pa ni Alden na dumarating din ang mga oras noon na gusto niya na ring umayaw.

“Of course Tito Boy before, mayroong times talaga na umaayaw na po ako eh,” huling sey ni Alden sa nasabing topic.

Mapanonood si Alden sa pinakabagong show sa GMA Network na “Battle of the Judges” bilang host ng programa na magsisimula na ngayong Sabado, Hulyo 15, 2023.

&feature=youtu.be