Tila walang pag-aalinlangang sinabi ng Kapuso actor na si Alden Richards sa kaniyang interview sa “Fast Talk with Boy Abunda,” na “yumabang” siya sa simula ng karera niya bilang artista.

Sa panayam kay Alden, napag-usapan nila ni Tito Boy ang tungkol sa kasikatan.

Itinanong sa kaniya ni Tito Boy kung hindi raw ba siya yumabang.

“Let’s talk about fame. Hindi ka yumabang?” tanong ni Tito Boy.

Alden Richards, hindi pa kayang kumawala sa pag-aartista: ‘Mahal ko ang trabaho ko’

Direkta naman itong sinagot ni Alden.

“I would be a hypocrite Tito Boy if I’ve said no,” aniya.

“At one point, of course, lahat po tayo na-i-experience ‘yan. Siguro po during the first part of my career,” dagdag pa niya.

“Paano mo tinapik ang sarili mo? Na-hey, this is not permanent,” pasundot pang tanong ni Tito Boy.

“Na-realize ko po ‘yon Tito Boy, noong pati mga taong malapit sa akin naaapektuhan na. Na parang, these (people), sila iyong huling dapat na magrereklamo sa’yo. And then, parang it hit me na baka nga ganoon na,” ani Alden.

Sa huli, tinanong pa ni Tito Boy kung may isang tao sa buhay niya na kaya siyang i-realtalk kaugnay sa kayabangan niya.

“May kaibigan ka ba, may tao ka ba sa buhay mo, who can actually go to you and harapan, ‘Richard, check mo sarili mo ha, yumayabang ka na,’” tanong ni Tito Boy.

Walang paligoy-ligoy at direktang sinagot ulit ni Alden.

“Yes po. Mayroon po. Marami po sila,” huling sey ni Alden sa nasabing topic.

Sa kabilang banda, may sey rin si Alden sa kaniyang buhay-showbiz na hindi pa kayang kumawala sa pag-aartista.