Taya na dahil papalo na sa ₱29.7 milyon ang jackpot prize ng Grand Lotto 6/55 na nakatakdang bolahin ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) ngayong Sabado, Hulyo 15.

Sa jackpot estimates na inilabas ng PCSO, papalo sa ₱29.7 milyon ang premyo ng Grand Lotto habang ₱9 na milyon naman ang papremyo ng Lotto 6/42.

May be an image of 1 person and text

Noong Hulyo 8, napanalunan ng isang lucky bettor ang ₱7,656,441.80 nang matagumpay niyang nahulaan ang winning combination na 03-28-12-26-08-21. 

Eleksyon

COC Filing Day 5: Mga naghain ng kandidatura ngayong Oktubre 5

Kaya ano pa ang hinihintay n'yo? Sugod na sa pinakamalapit na lotto outlet at tayaan ang paborito ninyong numero.

Ang Grand Lotto 6/55 ay binobola kada Lunes, Miyerkules, at Sabado habang ang Lotto 6/42 ay tuwing Martes, Huwebes, at Sabado.