Nagulat daw si Lolit Solis sa balitang hiwalay na sina Queen of All Media Kris Aquino at Batangas Vice Governor Mark Leviste.

Isa kasi si Lolit sa mga masaya para sa relasyon nina Kris at Mark. Katunayan, nakikinita na nga raw nito na magiging future Mrs. Leviste ang aktres. 

Sa isang Instagram post nitong Biyernes, sinabi ni Lolit na akala raw niya ay happy ending na ang dalawa dahil nga matagal ding naghintay si Mark kay Kris para tanggapin siya nito. 

Eleksyon

Ex-Pres. Rodrigo Duterte, tatakbong mayor sa Davao City; ayaw tumakbong senador?

"Akala ko mga happy ending na para sa dalawa. Nasa edad na sila na hindi naman biglaan ang magiging desisyon sa mga bagay bagay. Tanggap sila pareho ng kanilang mga anak. Mukha naman walang problema sa kanilang pamilya," saad ng talent manager.

Tanong tuloy ni Lolit kung ano ang naging problema kung bakit nauwi sa hiwalayan ang dalawa. Matatandaang kinumpirma ni Kris kamakailan na hiwalay na sila ng kaniyang nobyo dahil impossible raw na gumana sa kanila ang "long distance relationship."

"Ano pa kaya ang naging problema. Bakit nauwi parin sa hiwalayan ?Sana naman kung maliit na bagay lang ang dahilan maayos agad para walang maging problema. Sana naman maging maganda ang ending nito dahil pareho na silang nasa edad para sa seryosong relasyon," ani Lolit.

Panalangin din daw niya na maging maganda pa rin ang ending ng dalawang personalidad. Naniniwala kasi siya na "love is the only answer" sa buhay ng dalawa.

"I pray na maging maganda sana ang maging ending nila Kris Aquino at Mark Leviste. For the sake of their relationship na matagal din nakakita ng liwanag. Love is the only answer sa buhay nila ngayon. This is the right time for both of them. Please guardian angels of Mark and Kris, help them."

Sa ginawang "long overdue gratitude post" ni Kris para kay Mark kamakailan, ibinahagi nito ang larawan nilang dalawa sa United States kung saan siya nagpapagaling.

“We may not have had our ‘happily ever after’ but being sick has really taught me to look at the glass half full- thank you for giving me the chance to again experience the magic of Once Upon a Time,” mensahe ni Kris kay Mark.

Nag-post din si Mark matapos kumpirmahin ni Kris ang breakup nila.

“Love is patient, love is kind. It does not envy, it does not boast, it is not proud. It does not dishonor others, it is not self-seeking, it is not easily angered, it keeps no record of wrongs. Love does not delight in evil but rejoices with the truth. Love bears all things, believes all things, hopes all things, endures all things. Love never fails,” nakasaad sa IG story nito.