Napanatili ng Bagyong Dodong ang kaniyang lakas habang kimikilos patungo sa hilagang-kanluran ng Cagayan area, ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical, and Astronomical Services Administration (PAGASA) nitong Biyernes, Hulyo 14.

Sa tala ng PAGASA nitong 11:00 ng umaga, namataan ang mata ng Tropical Depression Dodong sa paligid Allacapan, Cagayan na may maximum sustained winds na 45 kilometer per hour at pagbugsong 75 kilometer per hour.

Kasalukuyan itong kumikilos pa-hilaga hilagang-kanluran sa bilis na 15 kilometer per hour.

Naitala ang Signal No. 1 sa mga sumusunod na lugar:

National

‘Life-threatening conditions’ nagpapatuloy sa ilang bahagi ng Luzon dahil kay Marce – PAGASA

Cagayan

Isabela

Apayao

Kalinga

Abra

Mountain Province

Ifugao

Benguet

Ilocos Norte

Ilocos Sur

La Union

Hilagang bahagi ng Pangasinan (San Nicolas, San Manuel, Sison, San Fabian, Pozorrubio, Bolinao, Bani, City of Alaminos, Sual, Labrador, Lingayen, Agno, Binmaley, Dagupan City, San Jacinto, Mangaldan, Anda)

Mananatili umanong isang tropical depression ang bagyong Dodong sa pagtawid nito sa mainland Northern Luzon.

Maaari naman itong umabot sa kategoryang tropical storm bukas ng hapon o gabi, Hulyo 15, habang nasa ibabaw ng West Philippine Sea, ayon sa PAGASA.