Ikinuwento ng Kapuso actress na si Bea Alonzo sa kaniyang interview sa “Fast Talk with Boy Abunda,” na lagi na nilang napag-uusapan ng celebrity partner na si Dominic Roque ang kanilang pagpapakasal.

Sa panayam ni Bea, unang napag-usapan nila ni Tito Boy ang tungkol sa both family nila ni Dominic at natanong din ng TV host kung kailan sila magpapakasal.

“Alam kung madalas kang tinatanong, na kailan ba kayo magpapakasal. And then I think the interview Dom was saying, ‘sandali na lang, I’m going to do the proposal’. How did you react to that when he said that,” tanong ni Tito Boy.

Sumagot naman agad si Bea na tila kinikilig pa.

National

PBBM sa National Teacher's Day: 'I wish you a joyful and productive celebration'

“Syempre kinilig ako, ‘diba, sino ba namang hindi. Kinilig ako,” aniya.

“But did you talk about it?,” follow-up question ni Tito Boy.

“We always talk about it,” ani Bea.

Napag-usapan din nila kung kailan ang posibleng proposal ni Dominic.

“I mean that statement about, ‘antay lang, sandali na lang, mangyayari na ang proposal’. Did you actually ask him na, ano bang ibig mong sabihin,” sundot na tanong pa ni Tito Boy.

“Hindi, pero pabiro lang. Baka doon ka pa mag-propose, kailangan ha maganda ako ako dapat ha, ‘yung mga ganon-ganon lang…,” aniya.

“Kasi may trips kami na inayos na for the year. We’re going to Japan, we’re going to Madrid, so parang jino-joke ko siya parati na, ‘oh, baka doon ka pa mag-propose ha, dapat alam mo na maganda ako doon sa proposal mo’ mga ganon lang,” dagdag pa niya.

Sa huli, sinabi pa ni Bea na sa kabila ng mga biruang iyon nila ni Dominic, lagi na rin nilang napag-uusapan ang pagbuo ng pamilya.

“Of course these are jokes but we always talk about the future like building a family together,” huling sey ni Bea.

Matatandang matagal nang magkaibigan sina Bea at Dominic, bago pa nila inanunsyo ang kanilang relasyon noong Agosto 2021.

[embed]&feature=youtu.be[/embed]