Kumubra na ng kanilang premyo ang dalawang lucky winners ng Super Lotto 6/49 ayon sa Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) nitong Huwebes, Hulyo 13. 

Parehong nahulaan ng lucky winners mula sa Makati City at Caloocan City ang winning combination na 18-29-21-48-10-08 at may kaakibat na ₱15,840,000 jackpot prize, na binola noong Hunyo 11, 2023.

Ayon sa lalaking lucky bettor na mula sa Makati City, mula noong 1995 pa siya tumataya sa lotto. Naranasan na rin niyang mahulaan ang limang sa anim na winning combination. 

“Lagi ko sinasabi sa mga treasurer ng PCSO na babalik ako one day, yung jackpot naman ang aking babalikan. Nagkatotoo nga!" aniya sa kaniyang panayam sa PCSO.

Eleksyon

COC Filing Day 5: Mga naghain ng kandidatura ngayong Oktubre 5

Samantala, ang babaeng lucky winner naman mula sa Caloocan City ay humabol lamang pagtaya sa Super Lotto 6/49 dahil malapit na raw magsara ang lotto outlet no'n.

“Sabi ko sa asawa ko na kahit anong numero na lang basta ihabol mo. Tapos tumama pa pala kami ng jackpot,” pagbabahagi niya sa PCSO.

Mismong si PCSO General Manager Mel Robles ang nag-abot ng cheke sa dalawang winners sa PCSO Main Office sa Mandaluyong City.