Binasag na ni Enrique Gil ang katahimikan tungkol sa isyung hiwalay na umano sila ng kaniyang girlfriend na si Liza Soberano.

Sa eksklusibong panayam ng ABS-CBN News kay Enrique noong Miyerkules, Hulyo 12, sinabi nitong maayos ang relasyon nila ng aktres.

"We are good, we are good," aniya.

Metro

Magpinsang paslit nagkayayaang maligo sa lawa, nalunod

Sadyang busy lang daw sila ni Liza sa kani-kanilang mga proyekto. 

“I am busy with all my projects. She is busy with all her projects naman. She is focusing on international work, which is super good for her. Kahit super busy kami, we still support each other no matter what,” dagdag pa niya.

Matatandaang inispluk ng dating talent manager ni Liza na si Ogie Diaz noong Mayo na hiwalay na ang real-life couple, base sa kaniyang source.

“Kaya nagkaroon ng agam-agam na baka wala na sila, dahil nga una, hindi niya pinagmamalaki ‘yung boyfriend niya. Kasi kung ano magpo-post ‘yan si Liza. Tapos nung birthday din ni Enrique, wala ring greeting online,” anang Ogie Diaz sa kaniyang showbiz vlog.

Sunod namang naurirat si Ogie kung sino sa dalawa ang tumapos sa relasyon.

“Hindi ko alam kung pareho nila gusto ‘yun, pero ang nakarating sa atin ay choice ni Liza na tutukan muna ang kaniyang career programming,” aniya.

Pagpapatuloy ni Ogie: “Ang nakarating sa’tin, si Enrique ‘yung nagpu-push pa na baka kaya pa, na posible pang ituloy. Pwede naman niyang i-allow si Liza kung gusto man ni Liza na tuparin ang kaniyang Hollywood dream, pero sila pa rin.”

Lalo pang naging kataka-taka umano ang setup ng dalawa nang maiulat ang pagdating sa Pilipinas ni Liza kung saan wala umanong kaalam-alam si Enrique.

Sa huli, hiling ng talent manager na “sana hindi totoo” aniya ang sariling claim ng kaniyang hindi pinangalanang source.

“Sana kung meron mang gap or meron mang ‘di pagkakaunawaan” ay maayos pa umano ng dalawa.

“Kung totoo man na wala na sila Enrique at Liza, ang importante naman lagi sa isang relasyon nag-end up kayo as still friends. Kung hindi man friends, civil with each other,” dagdag pa ni Ogie.

Maki-Balita: ‘Ayaw na ni Liza, si Ken gusto pa’: LizQuen, split na raw ayon sa source ni Ogie Diaz