Nagbigay umano ng reaksiyon at pahayag si dating senate president Tito Sotto III, isa sa lead hosts ng "E.A.T." sa TV5, hinggil sa balak daw ng TAPE, Incorporated na ipagdiwang ang 44th anniversary ng longest-running noontime show na "Eat Bulaga!" na umeere sa GMA Network, at may bagong set ng hosts matapos nilang mag-exodus.

Ayon sa mga ulat, pinaghahandaan na ng EB ang mga pasabog nila sa Hulyo 29, 2023, para sa nabanggit na anibersaryo.

Sa ulat ng isang pahayagan, nagbigay umano ng pahayag si Sotto tungkol dito, sa pamamagitan ng isang ipinadalang text message sa kanila.

Laman ng nabanggit na text message, wala raw karapatang mag-celebrate ang "TAPE people at current hosts" dahil silang mga "legit Dabarkads" ang naging bahagi ng nabanggit na 44 taon.

National

FPRRD, ‘di na kailangang imbitahan sa susunod na quad comm hearing – Barbers

“Kami orig na may karapatan mag-celebrate. From TAPE people and current hosts, none of them were there 44 years ago,” pahayag daw ni Sotto.

Batay pa sa nabanggit na ulat, mukhang magdiriwang din ang legit Dabarkads sa "E.A.T." kaya mahihinuhang umaatikabong bakbakan na naman ito ng noontime shows.

Samantala, usap-usapan naman ang mga binitiwang pahayag ng isa sa mga TVJ na si Joey De Leon, tungkol sa pagbabaligtad niya ng salitang "legit."

Sigaw ng mga netizen, ito raw ay direktang patama ng tinaguriang "Henyo Master" sa Eat Bulaga na nasa Siyete.

MAKI-BALITA: Barda ni Joey: ‘Kami ang legit, yung mga peke baligtarin ang legit, tigel na kayo!’