Mukhang wapakels ang ilang netizens sa “fashion tips” na ipinakita ng actor-singer na si Iñigo Pascual, dahil tila nasa ibang parte ng katawan nito ang focus nila.

Sa Instagram post ni Iñigo nitong Martes, Hulyo 11, mapanonood ang kaniyang ibinahaging 3 pamamaraan kung paano bigyan ng style ang “white polo shirt.”

Marcoleta, pinigilang magtanong tungkol sa proposed ₱6.352-trillion 2025 nat'l budget

View this post on Instagram

A post shared by Inigo Dôminic Pascual 💎 (@inigopascual)

“How to style a White Polo Shirt in 3 different ways.,” mababasang caption sa kaniyang Instagram post.

Para sa unang style na ibinahagi ni Iñigo, “simple yet stylish” ang atake na may plain pants, cap, white shoes, shades at shoulder bag.

Sa sumunod na style ay gumamit siya ng brown pants, brown cardigan, sneakers at shoulder bag na tinawag niyang “school outfit” dahil parang papasok lang daw sa school ang datingan.

“Fun looks” naman ang para sa huling style na gumamit ng loose jeans, square vest, cap, white shoes, shades at bag.

Sa kabila nito, tila wala sa mga ibinahaging styles ni Iñigo ang focus ng ilang netizens na nagbigay-komento:

“Wag mo na takpan Iñigo.”

“The design is very daks!”

“Pinapa ulit ulit ko yung video diko alam kung bakit?????”

“IT'S VERY DAKS, VERY BUKELYA, VERY LRT STATION AND I ABSOLUTELY LOVE IT. I MEAN, BE PROUD OF THE GIFT YOU'RE GIVEN.”

“Focus ako beh!”

“SS then adjust brilliance and brightness thank me later.”

Ang unang style na “simple yet stylish” ang napiling suotin ni Iñigo para sa kaniyang lakad noong araw na iyon.