Gobyerno, makaaasa ng US$88M foreign investments ngayong 2023
Makaaasa na ang pamahalaan ng US$88 milyong foreign investments bilang resulta ng mga biyahe ni Pangulong Marcos, Jr. sa iba't ibang bansa.
Ito ang isinapubliko ni Department of Trade and Industry (DTI) Secretary Alfredo Pascual sa ginanap na pulong balitaan sa Malacañang nitong Miyerkules.
“The number that we expect to materialize in 2023 will total around US$88 million. Maliit pa ‘no. Iyon lang iyong up to June this year, and we expect some more to ripen and eventually lead to the inflow of investments,” pahayag ni Pascual.
“Eighty-eight million. It is not so large as yet, but the potential is as we announced before, we have a pipeline that we were able to build up amounting to around US$ 70 billion,” aniya.
Idinahilan pa ni Pascual, nakarehistro a sa Board of Investment o sa ibang investment promotion agencies ang anim na proyekto.