Mukhang napa-”throwback” agad kahit hindi pa araw ng Huwebes ang social media personality na si Toni Fowler o mas kilalang “Mommy Oni” nang ibahagi niya ang noon at ngayong hitsura nila ni Vhong Navarro.

Sa Instagram post ni Toni nitong Martes, Hulyo 11, makikita ang dalawang larawang kasama si Vhong noong 2009, at ngayong 2023.

Nagpasalamat si Toni sa “It’s Showtime” dahil binigyan siyang muli ng pagkakataong makapag-guest.

“Thank you ulit SHOWTIME, ang aking unang tahanan sa ABS-CBN sa pag-GUEST ulit sakin 😊,” aniya.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Sa kabila nito, mukhang maraming aabangang throwback pictures kay Toni na kasama naman ang Kapamilya artists.

“Abangan niyo ako, madaming TUESDAY mag-oopening prod ako at mag-t’throwback ako ng pictures ko kasama ang mga Kapamilya 😬❤️,” dagdag pa niya.

Sa huli, tila may iniwan pang kwelang “sumpa” si Toni sa netizens na magbibigay-komento nang mas maganda siya noon dahil sa pagiging simple nito.

“MAGKAKAPIGSA ANG MAGKO-COMMENT NG ‘MAS MAGANDA KA DATI NG SIMPLE LANG’ 😒,” anang Toni.