Hot topic nina Ogie Diaz at Mama Loi sa "Ogie Diaz Showbiz Update" ang umano'y claim ng dating sexy star na si Sabrina M, na naging ex-karelasyon niya ang yumaong Kapamilya star na si Rico Yan, matapos ang halos dalawang dekada.

Nasabi ni Ogie na kaibigan niya si Rico, at pati siya ay nababagabag na pati ang nananahimik na kaibigan ay binanggit pa ni Sabrina, nang mag-promote ito ng pagbabalik-pelikula para sa "Manang."

Tanong ni Mama Loi, "Hindi ba totoo?"

"Hindi raw totoo!" sey ni Ogie. "Hindi totoo po 'yon. Dahil sinabihan na po ng isang kaibigan si Sabrina M na huwag nang ikakalat ang hindi totoo. Dahil ang totoo, eh naging gentleman si Rico Yan sa kanilang lahat, sa kanilang mga girls, that includes Sabrina M. Kaya bakit daw nag-iilusyon si Sabrina M na naging sila ni Rico Yan. Nagpo-promote lang ng pelikula, gagamit pa ng pangalan ng patay? Ano ba 'yan, Sabrina M? Magbabalik tapos negative?"

Marcoleta, pinigilang magtanong tungkol sa proposed ₱6.352-trillion 2025 nat'l budget

Napatanong tuloy si Mama Loi kung ano ang pumasok sa isip ni Sabrina M upang banggitin pa ang pangalan ni Rico.

"Hindi naman daw talaga totoo," giit pa ni Ogie. "At kaibigan na ni Sabrina M ang nagsabi sa kaniya na tigilan na, alam mo naman na ang totoo. Hindi naman talaga nangyari sa inyo 'yan."

Sabi raw ni Sabrina, "Eh hayaan mo na, nandiyan na 'yan..."

Naimbyerna raw ang identified na ex-jowa ni Rico na si Optimum Star Claudine Barretto sa mga pinagsasabi ni Sabrina M.

Nabanggit ni Ogie na balak magdemanda ni Claudine laban kay Sabrina M dahil dito.

Wala pang kumpirmasyon mula kay Claudine kung itutuloy ba niya ang balak na demanda laban kay Sabrina M. Wala pa ring pahayag si Sabrina M patungkol sa mga claim ni Ogie batay naman sa tinukoy nitong kaibigan ng dating sexy star, na naging source niya.