Mismong si Katrina Paula, kaibigan ng dating sexy star na si Sabrina M, ang nagsabing walang katotohanan ang mga claim nito na naging ex-jowa ang aktor na si Rico Yan.

Sa live na panayam kay Katrina sa "Cristy Ferminute" nitong Miyerkules, Hulyo 12, diretsahang tinanong ni Cristy si Katrina kung totoo bang naging ex-boyfriend ni Sabrina si Rico.

"Nay, wala. Walang relasyong naganap sa kanila. Baka nagkatikiman sila pero yung relasyon, hindi ko alam kung saan nanggaling," diretsahang sagot ni Katrina na isa ring sexy star at kasabayan noon ni Sabrina M.

Naungkat pa ni Cristy ang isang pangyayaring nagkasama-sama sila ng tatlong magkakaibigang sina Rico, Marvin Agustin, at Dominic Ochoa (na nakilala noon bilang Whattamen) sa Clark, Pampanga.

Marcoleta, pinigilang magtanong tungkol sa proposed ₱6.352-trillion 2025 nat'l budget

Dito ay sinabi ni Katrina na walang namagitan sa pagitan nina Rico at Sabrina. Inilarawan pa ni Katrina si Rico bilang mabait at marespetong lalaki.

Nabanggit din ni Cristy na noong burol at libing ni Rico, ni anino ni Sabrina ay wala silang nakita. Taliwas ito sa mga naging claim ni Sabrina na nagpunta siya sa burol at libing ng aktor subalit tahimik lamang siya. Isa pa, ang alam nilang magka-live in noon ay sina Rico at Claudine.

Sey naman ni Katrina, nagpunta naman sila sa burol subalit hindi sila nakita ni Cristy.

Hindi raw alam ni Katrina kung saan galing ang mga nasabi ni Sabrina M na dalawa't kalahating taon daw silang naging mag-jowa ni Rico.

Sa pagkakakilala raw ni Cristy kay Sabrina, ipagmamalaki nito ang relasyon nila ni Rico at hindi ito maitatago, kung talagang totoong mayroon man.

Muling giit pa ni Cristy kay Katrina, "Minsan lang ba nasabi ba sa'yo ni Sabrina na naging magkarelasyon sila ni Rico?”

"Oo, nasabi niya sa akin 'yon, pero walang relasyon na matagal. Siguro nga nagkatikiman sila pero walang relasyon."

Dahil sa mga naging pahayag ni Sabrina, naibahagi naman ni Ogie Diaz na balak idemanda ni Claudine ang nabanggit na sexy star.

[embed]https://balita.net.ph/2023/07/12/claudine-nabuwisit-balak-daw-magdemanda-laban-kay-sabrina-m/[/embed]