Nasa ₱35 milyong halaga ng puslit na frozen meat products ang nasamsam ng Department of Agriculture (DA) sa ikinasang pagsalakay sa dalawang temporary cold storage facility sa Meycauayan, Bulacan kamakailan.

Sa Facebook post ng ahensya, sinalakay ng mga tauhan ng DA Office of the Assistant Secretary for Inspectorate and Enforcement (DA-IE), Armed Forces of Philippines (AFP), National Meat Inspection Service (NMIS) at Philippine Coast Guard (PCG) ang naturang lugar nitong Hulyo 11.

Isinagawa ang operasyon sa bisa ng inilabas na Letter of Authority ng BOC.

National

Nancy Binay, nilinaw na 'di kaaway ang kapatid na si Abby: 'Pamilya pa rin kami!'

Nadiskubre sa dalawang storage facility ang mga nabubulok na produktong karne, kabilang na ang mga paa ng baboy, karne ng tupa  at balat ng manok.

Tiniyak naman ni DA Assistant Secretary James Layug na pinuno rin ng DA-IE, ipasasara nito ang dalawang storage facility at sasampahan din nila ng kaso ang mga may-ari nito dahil sa pagpupuslit ng agricultural commodities.

“The seized commodities lack the sanitary and phytosanitary clearance from the appropriate Food Safety Regulatory Agency (FSRA),” pagdidiin pa ni Layug.