Tumanggi na raw ang basketball player-actor na si Ricci Rivero na magbigay ng paglilinaw sa pahayag na pinakawalan ng ex-girlfriend na si Andrea Brillantes, patungkol sa bersyon niya nang maabutan ang isang babae sa condo unit ng dating karelasyon, na pinagmulan umano ng kanilang away, at humantong na rin sa hiwalayan.

Ayon kasi kay DJ JhaiHo, naikuwento sa kaniya ni Andrea na hindi kompleto ang mga nasabi ni Ricci sa panayam sa kaniya ng "Fast Talk with Boy Abunda."

Sa bersyon kasi ni Andrea, ang babaeng nakita raw niya sa condo unit ng dating boyfriend ay nakahubad.

"Nakalimutan niya yatang sabihin na hubad kong nadatnan yung girl... hubad sa kuwarto niya. Tulog siya (Ricci). Di raw nila alam ang nangyayari at lasing sila. Di niya minention. Hindi niya minemention. Marami pa siyang hindi minention," pahayag daw ni Andrea.

57 kilos ng shabu na isinilid sa Chinese tea bags, nakumpiska sa pantalan sa Southern Leyte

Ayon sa ulat ng PEP, nang magkrus naman daw ang landas nina DJ JhaiHo at Ricci sa headquarters ng "Scott Media," hindi na raw nagpaunlak ng panayam si Ricci sa una, nang tangkain nitong kunin ang kaniyang panig sa isyu.

Nagsadya raw si Ricci at dalawa pang kasama sa "Iskovery Night" ng Scott Media ni "Eat Bulaga!" host Isko Moreno noong Hulyo 6, Huwebes, para yata sa isang panayam.

Ang Scott Media rin ang may hawak sa online show na kinabibilangan ni DJ JhaiHo.

Nakipag-ugnayan daw muna si JhaiHo sa handlers ni Ricci upang malaman kung uubra bang matanong tungkol sa intriga si Ricci.

"Huwag na raw po. Kasi nakapag-judge na daw po kami," sey ni JhaiHo na pinasabi raw ni Ricci.

Katwiran naman ng dj-show personality, hindi siya nagkulang sa paghingi ng panig ng dalawa.

Bago raw ang panayam ni Ricci kay Boy Abunda noong Hunyo 15, nagmensahe pa si JhaiHo sa basketbolista upang hingin nga ang panig nito, subalit ito na mismo ang tumanggi.

MAKI-BALITA: Andrea kinontra mga rebelasyon ni Ricci; may shocking na pasabog tungkol sa bebot