May paglilinaw ang talent manager-comedian na si Ogie Diaz sa patuloy na nagpupumilit na fans na gumawa raw ang “ABS-CBN” ng Pinoy adaptation ng BL series na “2gether the series” ng Thailand na nais pagbidahan nina Donny Pangilinan at Jeremiah Lisbo.

Sa latest ">YouTube ">video na Ogie Diaz Showbiz Update nitong Linggo, Hulyo 9, isa sa mga natalakay nina Ogie at ng kaniyang co-hosts na sina Mama Loi at Tita Jegs, ay ang hiling nga raw ng fans na magkaroon ng Pinoy adaptation sa naturang BL series ng Thailand.

Nagsimula raw pagtambalin ang dalawa ng fans noong “Star Magic All-Star Games 2023” na may pagkakataong nakuhaan na tila nagkatinginan sa isa’t isa at mula noo’y naging maingay na sa social media.

Samantala, naglabas naman ng chika si Ogie na feeling niya ay hindi naman papayag si Donny para dito.

National

2 taga-Laguna na parehong nanalo sa magkahiwalay na Lotto 6/42 draw, kumubra na ng premyo

“Ako feeling ko, hindi naman papayag si Donny. Siyempre magkakaroon sila ng kissing scene riyan,” aniya.

Sa kabila nito, dito na naglabas ng sey si Ogie para sa mga nagpupumilit pa rin na fans.

“Iyan ay, kumbaga, pangarap lang ng fans,” dagdag pa niya.

Sabay tanong ni Mama Loi kay Ogie kung game rin kaya ang tinatambal na si Jeremiah.

Sagot naman ni Ogie, kung siya raw si Jeremiah ay tatanggapin niya bilang isang aktor.

“Kasi, ako naniniwala ako kung straight ka hindi ka talaga pagdududahan ng mga tao kahit pa nakipagkissing-scene ka sa kapwa mo lalaki.” anang Ogie.

Sa huli, napag-usapan naman nila ang mga dating aktor na may karanasan na pagdating sa lalaki sa lalaking pagganap tulad na lang nila Sid Lucero, Jake Cuenca, Sean De Guzman at Joem Bascon.