Nauntag ni Ogie Diaz ang Kapuso actor-TV host at kumpareng si Paolo Contis kung handa na ba itong magka-baby number 4; this time, sa kaniyang girlfriend na si Yen Santos.

Diretsahang pag-amin ni Paolo, wala pa sa kaniyang hinagap na magka-baby ulit, o magkaroon na sila ng anak ni Yen.

Nasa "fixing stage" pa si Paolo sa kaniyang buhay kaya hindi pa ulit siya handang magkaroon ng panibagong responsibilidad. Gusto muna niyang maging stable bago muling bumuo ng pamilya.

Matatandaang nababash si Paolo dahil hindi raw siya nagsusustento sa kaniyang mga anak, pero pumayag na mamigay ng papremyo sa noontime show na "Eat Bulaga."

Eleksyon

Ex-Pres. Rodrigo Duterte, tatakbong mayor sa Davao City; ayaw tumakbong senador?

MAKI-BALITA: ‘Ang bobo!’ Paolo tumugon sa isyung ‘namimigay ng premyo, hindi ng sustento’

Ani Paolo, magiging unfair sa bata kung marami pa siyang mga bagay na hindi pa naaayos.

“At the end of the day, natutunan ko, kailangan kong ayusin lahat."

"Regardless kung happy ending o sad but it has to para… basta maayos. Kailangan kong maayos lahat. It will be very unfair kung sabihin kong gusto kong magkaroon ng anak pa,” anang Paolo.

“Unfair yun sa bata, na marami akong bagay na hindi ayos. Unfair yun doon sa baby. Unfair yun sa ibang mga bata na, ‘Heto na naman siya’ ‘di ba."

"Siguro bago ako mag-jump into that, everything has to be fixed,” paliwanag pa niya.

MAKI-BALITA: ‘Naging collateral damage!’ Paolo aminadong miss na ang mga anak