Kapansin-pansing tila naging “medical date” ng mag-asawang Ogie Alcasid at Regine Velasquez-Alcasid ang kanilang naging executive check-up sa Cardinal Santos Medical Center.

Sa Instagram post ni Ogie nitong Lunes, Hulyo 10, bukod sa kanilang sweet selfie, makikita rin sa mga larawan ang mga doktor at staff na nag-asikaso sa kanilang naturang check na binigyang shoutout pa nito.

“Shoutout to Dr. Peter Sy (gastroenterologist), Dr. Katrina Mejia, Dr. Franz Liangco, Dr Ysaac De Ocampo, Dr Mark Valero and Dr Vengle Lim. Dr Benedict Caballero (anesthesiologist), Enyong Araojo, Martin Cruz and of course our attending doc and kumare Dra. Lilibeth Genuino,” aniya.

Sa kabilang banda, may payo naman si Ogie sa kapwa nilang pa-senior na, na ugaliin daw na magpa-medical check-up dahil magandang nakatitiyak na malusog ang pangangatawan.

Eleksyon

Chavit Singson, kakandidatong senador sa midterm elections

“Sa mga kapwa naming pa-senior na, ugaliin po natin gawin itong pa-medical. Maganda na masiguro nating tayong lahat ay malusog,” dagdag pa niya.

Sa huli, nagbigay-pasalamat sa Panginoon si Ogie dahil maayos naman ang kanilang naturang check-up.

“Salamat po Panginoon. All by his grace. We are good to go!!!” anang Ogie.