“Life is not a race.”

Ito ang pinatunayan ni Kapamilya actress Kaori Oinuma sa kaniyang pag-graduate ng senior high school matapos ang 10 taong pag-aaral.

Sa kaniyang Instagram post nitong Lunes, Hulyo 10, ibinahagi ni Kaori ang masaya niyang mga larawan habang nakasuot ng pulang toga sa kaniyang graduation.

National

Chel Diokno sa pagtakbo ng Akbayan sa Kongreso: ‘Our record speaks for itself!’

“& that’s a wrap!!! after 10 years of finishing my high school!!! sa dami ng nangyari, repeat after repeat after repeat, finally! ^.^,” saad ni Kaori.

Kuwento ng aktres, hindi naging madali ang kaniyang pinagdaanan bago marating ang naturang milestone ng kaniyang buhay.

“There were moments na people would ask me what year I am in, and i would answer grade 12, and they be like ‘ha? ilang taon kana?’ , ‘grade 12 ka pa lang?’ and idk, somehow, I feel embarrassed, but I chose not to judge them,” ani Kaori.

“so yahh, medyo madaming nangyari. long story. haha pero one thing I realized, life is not a race, but embracing your own pace and defining your own success. ✨”

Pinasalamatan naman ng aktres ang kaniyang mga guro, mga kaklase, mga kaibigan, managers at handlers, supporters, at kaniyang pamilya na patuloy umanong sumusuporta at naniniwala sa kaniya.

“And to you God, You have been my support, and I owe You all the thanks for this achievement 🙏🏻,” saad pa ni Kaori.

“Malayo pa, pero malayo na.

~ on to the the next adventure~,” dagdag niya.

Bago pumasok sa showbiz industry ang “He’s Into Her” star, naging housemate si Kaori sa reality show na “Pinoy Big Brother: Otso” kung saan tinagurian siyang “Ang Kawaii Daughter ng Japan.”