Nakatutuwang Instagram story ang ibinahagi ng Kapamilya actor na si Joshua Garcia matapos niyang i-flex ang isang meme na tampok ang kaniyang mismong larawan.

Sa Instagram story ni Joshua nitong Lunes, Hulyo 10, makikita ang isa niyang larawan na tila humahagulgol sa pag-iyak habang nakahiga sa kama.

May kinalaman naman sa pagtulog ng tao at sa pagtunog ng alarm clock ang nilalaman ng ibinahaging meme ni Joshua.

“YUNG TUMUNOG NA ANG ALARM CLOCK, PERO KULANG KA PA SA TULOG,” mababasang konteksto sa naturang meme.

‘Immortal love?’ Enrile at misis nagdiwang ng 67th wedding anniversary

Samantala, bukod sa larawang ginamit sa meme, tila relate na relate rin naman si Joshua dahil mapapansing gumamit pa ito ng laughtrip emoji na makikita sa kaniyang Instagram story.

Sa kabila nito, patuloy pa rin na masusubaybayan si Joshua sa pinagbibidahang teleserye na “Unbreak My Heart” na tampok din sina Jodi Sta. Maria, Gabbi Garcia at Richard Yap na mapanonood sa Kapuso channel at piling streaming platforms ng ABS-CBN.