Puring-puri ng komedyanteng si Jeffrey Tam ang Kapuso star na si Alden Richards dahil sa patuloy raw na pagiging humble nito.

Sa kaniyang Instagram post noong Hulyo 9, 2023, ibinahagi ni Jeffrey ang larawan nila ni Alden habang nakaakbay ito sa kaniya.

Saad ni Jeffrey, nakakatuwa raw ang aktor dahil hindi lumaki ang ulo nito, hindi kagaya ng ibang artista. Ang "paglaki ng ulo" ay isang idyomatikong ekspresyon sa mga Pilipino na nangangahulugang "yumabang" o naging mapagmataas.

Pero may ibang napansing lumaki si Jeffrey sa bahagi ng katawan ni Alden.

National

Painting ni Amorsolo sa private museum sa NegOcc, ninakaw!

Hindi raw ulo kundi "kamay" nito.

Tila ang laki nga ng maugat na kamay ni Alden sa pic nila.

"Brader nagpapasalamat ako sa'yo at tinuring mo akong kaibigan wag kang gagaya sa ibang artista na lumaki ang ulo."

"Buti na lang KAMAY lang lumaki sa'yo. hahahhahah labyubrad," ani Jeffrey.

Biro naman ng isa pang aktor at kaibigan nilang si Joross Gamboa, "@jeffreytamagician parang napipilitan na si @aldenrichards02."

Sina Alden, Jeffrey, at Joross at nagkasama sa 2019 highest grossing-movie of all time (pre-pandemic) na "Hello, Love, Goodbye" kasama si Kapamilya superstar Kathryn Bernardo, na idinerehe ni Cathy Garcia sa ilalim ng Star Cinema.