Labing-lima pang tourist rest areas ang nakatakdang itayo sa bansa, ayon sa Department of Tourism (DOT).

Ito ang isinapubliko ni DOT Secretary Christina Garcia Frasco nitong Lunes matapos pangunahan ang inagurasyon at turnover ceremony ng kauna-unahang TRA sa bansa na itinayo sa Medellin sa Cebu.

Binanggit ni Frasco na ang 15 pang TRA ay karagdagan sa paunang 10 na bubuksan sa mga piling lugar na dinadagsa ng mga turista.

Aniya, layunin ng hakbang na mabigyan ng kaginhawaan ang mga turista na bumibisita sa lalawigan.

Tourism

ALAMIN: Mga libreng museum sa Metro Manila!

"Visitors on a road trip traversing the town of Medellin can now enjoy the facility with Filipino-inspired interior and furniture for free,” sabi pa ni Frasco.

PNA