Couple goals ang Unkabogable Phenomenal Star Vice Ganda at mister niyang si Ion Perez dahil sa kanilang "for life" tattoo.

Photo courtesy: Vice Ganda/YouTube (screenshot)

Sa latest ">YouTube ">vlog ni Vice nitong Lunes, Hulyo 10, sinabi ng Unkabogable Star na matagal nang request ng kanilang followers na mag-collab silang muli ng kaniyang mister.

Since "major collab" nila ito ni Ion, ang ipapatattoo nila ay pang-"for life" na.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

“Itong markang ‘to ay for life na rin at wala nang burahan,” aniya.

Inilapat ang unang tattoo sa kanilang tig-isang kamay ang mga katagang, "I am with you."

Nasa kanang kamay ni Vice ang salitang “I am” habang kaliwang kamay naman ni Ion ang karugtog nitong “with you.”

Kaya’t mapapansin kapag nagholding-hands ang dalawa ay mababasa ang naturang mga kataga.Sumunod nilang ipina-tattoo ang “smiley face” sa kanilang hintuturong daliri.

Nasa kaliwang hintuturo ni Ion ang mga mata at nakay Vice ang naka-ngiting labi nito.

Para sa kanilang pangatlong matching tattoo, “King at Queen” ang kanilang napiling ipa-tattoo sa kanilang parehas na hinlalato.

“King” ang para kay Ion at "Queen" naman kay Vice.

Samantala, “heart shape” ang kanilang pang-apat na matching tattoo na parehas nasa kanilang kaliwang palasinsingan.

Sa huli, para sa kanilang panlimang matching tattoo, ang salitang “forever” ang kanilang napili.

Nasa kaliwang hinliliit ni Vice ang salitang “for” at nasa kaliwang hinliliit din ni Ion ang karugtong nitong “ever.”

Habang sinusulat ang balitang ito, umabot na sa halos 380K views ang naturang video.

[embed][/embed]