"Kanino ba 'yan?!"

Naloka ang mga celebrity at netizens sa larawang ibinahagi ng Kapamilya TV host-actor na si Luis Manzano, kung saan makikita ang isang nakakalat na underwear sa sahig ng isang sinehan.

Ang nabanggit na larawan ay mula naman sa kumakalat na post sa social media, na nai-share at pinagpasa-pasahan na rin ng mga netizen upang pagtawanan.

May kinalaman daw ito sa panonood ng suspense-horror movie na "Insidious 3: The Red Door."

National

PNP, nakasamsam ng tinatayang <b>₱20B halaga ng ilegal na droga sa buong 2024</b>

"Sa mga mahilig sa true crime na mga series… ano kaya nangyari dito? Kase kinakabahan na ako manood sa cinema tuloy," ani Luis sa kaniyang caption sa Instagram post.

Marami naman sa mga kapwa celebrity ang napa-react dito gaya na lamang ni Asia's Songbird Regine Velasquez-Alcasid.

"Sayo ba yan!!!" anang Ate Reg.

Laugh emojis naman ang komento ni "E.A.T." host Paolo Ballesteros na napamura pa ng "shuta."

Ilan pa sa mga nag-react dito ay ang singer na si Daryl Ong, actress-public servant Aiko Melendez, at award-winning actor na si John Arcilla.

Pati ang mga netizen ay nawindang na rin sa "misteryosong panty."

"Sobrang nakakatakot. May mga naiwan pang stains sa floor."

"Baka pinampunas ng luha dahil heavy drama ang movie."

"Nalaglag-panty sa takot hahaha."

"Yung nagtutupi ka ng nilabhan,tapos hinatak ka ng tropa para mag-sine. Lagot kay Mother hahanapin 'yan."

"Nag-last full show hahahaha."

"May na-finger na po hahaha opppsss..."

"Gumawa rin sila ng pelikula habang nanonood hahaha..."

"May gumawa ng kababalaghan hahaha."