Marami ang nalungkot at nabigla nang magbigay ng update si Queen of All Media Kris Aquino hinggil sa kanilang relasyon ni Batangas Vice Governor Mark Leviste nitong Lunes ng gabi, Hulyo 10, 2023, sa kaniyang Instagram post.

Isang “long overdue gratitude post” para kay Leviste ang ibinahagi ni Kris sa kaniyang Instagram post kalakip larawan nilang dalawa sa United States kung saan siya nagpapagaling.

“We may not have had our ‘happily ever after’ but being sick has really taught me to look at the glass half full- thank you for giving me the chance to again experience the magic of Once Upon a Time,” mensahe ni Kris kay Leviste.

Ayon kay Kris, uuwi na ng Pilipinas si Leviste para tuparin umano ang kaniyang mga obligasyon sa kaniyang mga nasasakupan sa Batangas.

Eleksyon

Ex-Pres. Rodrigo Duterte, tatakbong mayor sa Davao City; ayaw tumakbong senador?

“Nobody I’ve ever been in a relationship with has ever given me as much love & encouragement. He wasn't only my boyfriend, he became my best friend and confidante, talagang maaasahan,” ani Kris, kasabay ng pagbibigay-diin niyang, “the usage of WAS is correct.”

Sa comment section ay mapapansin ang komento rito ng ilang celebrities gaya nina Kapamilya pop icon Jolina Magdangal, fashion designer Francis Libiran, at Kapuso star Bea Alonzo.

Maging ang mga netizen ay nagpaabot na rin ng mensahe para sa naunsyaming relasyon ni Kris habang nakikipaglaban ito sa kaniyang sakit.

"Siguro po kong noon mo pa s'ya binigyan ng chance baka hanggang ngayon siya pa rin... napatunayan po ni Sir Marc na ang pagmamahal n'ya di lang sa saya kundi sa hirap at ginhawa kaya n'yang gawin dahil love ka po n'ya talaga."

"I hope this was not a goodbye for him but rather a gratitude off thank you. Please don’t drive him away be thankful to God that He gave you someone at this moment and tone of your life. I could go on but all i can say is let yourself be loved by everyone around you because after all love can move mountains you'll never know... and with HIM nothing if impossible."

"You deserve the best kind of love Ms. Kris. How I wish I can interview you in the future when things are better. Praying for your ultimate healing."

"Parang mas nadurog ang puso ko sa honest to goodness na post na ito!"

Bukod sa usaping pag-ibig, nagbahagi rin si Kris ng ilang updates sa kaniyang health condition.

MAKI-BALITA: Kris Aquino, kinumpirma ang hiwalayan nila ni Mark Leviste