Usap-usapan ang naging banat ni "E.A.T" host Joey De Leon, na pasaring daw niya sa dati nilang noontime show na "Eat Bulaga!" ng TAPE, Incorporated na umeere pa rin sa GMA Network.

Nasabi raw ni Joey ang nabanggit na mga litanya dahil sa napabalitang paghahanda ng TAPE para sa nalalapit na 44th anniversary ng Eat Bulaga sa darating na Hulyo 29.

Ayon sa mga bagong host, naghahanda sila ng "pasabog" para sa nabanggit na pagdiriwang.

Kumakalat sa Twitter ang video clip ng naging hirit ni Joey, sa isang segment ng E.A.T. kamakailan.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Aniya, sila ang "legit" at ang mga peke, kapag binaligtad ang salitang legit, ay mababasang "tegil."

"Kami ang legit yung mga alam n'yo na, peke baligtarin n'yo yung legit.. tigel na kayo," ani Joey.

https://twitter.com/OGDabarkads/status/1678278873556094976

Mapapansing tahimik lamang si Vic sa kaniyang tabi habang nagpalakpakan at hiyawan ang studio audience.

Umani naman ito ng iba't ibang reaksiyon at komento mula sa netizens.

"Henyo master talaga!"

"Ang nega! Pass!"

"Bakit kailangang manlait?"

"May show na nga kayong sarili ganiyan pa kayo?"

"Yes, kaya kung ako sa Fake Bulaga, magpalit na sila ng name!"

"Exciting kung paano mag-celebrate ang mga taga -Eat Bulaga knowing na lahat sila eh bago lang, hindi naman sila ang sine-celebrate."