Hindi makapaniwala ang lotto winner mula sa Taguig na natumbok niya ang winning combination ng Grand Lotto 6/55 na may kaakibat na ₱29,700,000 jackpot prize.

May be an image of 2 people, money and text

photo from PCSO/FACEBOOK

Eleksyon

COC Filing Day 5: Mga naghain ng kandidatura ngayong Oktubre 5

Dahil aniya noong 1997 pa raw siya tumataya sa lottery games ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO).

Matagumpay niyang nahulaan ang winning numbers na 11-17-28-06-09-01 na binola noong Hunyo 5, 2023.

May be an image of money, ticket stub and text that says 'GROND 09 17 07 12 11 12 15 28 23 A:01 06 C:04 05 1256 16-0501-1 Ticket Price: Price Draw 01978 MON 05-Jun-23 05-Jun-23 P40.00'

photo from PCSO/FACEBOOK

 Sa kaniyang panayam sa PCSO, ilang beses niya pang chineck ang winning numbers sa pag-aakalang limang numero lang ang tama niya pero laking gulat niya nang natumbok niya ang jackpot prize.

Nabanggit din ng lalaki na isa sa mga beneficiaries ng Medical Access Program (MAP) ng PCSO ang isa sa kaniyang kaanak.

"Alam ko po na ang PCSO ay lumilikom ng pondo para ipangtulong sa mga nangangailangan ng medikal. Tanda ko pa ito noong natulungan kami ng PCSO noong andoon pa sila sa Quezon Institute nag oopisina," saad pa nito.