Hindi mapigilan ni Tippy Dos Santos ang kaniyang kasiyahan nang regaluhan siya ng kaniyang asawang si Miguel Porcuna ng tickets para sa “The Eras Tour” ni Taylor Swift sa Singapore sa susunod na taon.

Sa isang Instagram post, makikita sa video na ibinahagi ni Tippy ang pagkabigla at kalauna’y excitement nang makita ang naturang sorpresa ng kaniyang asawa.

“See you in Singapore, Mare @taylorswift!!!!😭,” ani Tippy sa naturang post.

“Best husband award goes to you, @porcunamatata 🙏 I love you!!!” saad pa niya.

National

ITCZ, magdadala ng mga pag-ulan sa malaking bahagi ng bansa

Forda “sana all” naman ang netizens sa pagkatanggap ni Tippy ng ticket para sa tour ni Taylor. Narito ang ilang komento ng netizens:

“SANA OL moment!!!!”

“napaka swerte nga naman ni madam Tippy! Enjoy lovebirds!! 💕.”

“Grabe!!!!! How lucky naman ❤️❤️❤️.”

“napaka swerte nga naman ni madam Tippy! Enjoy lovebirds!! 💕.”

“Let our response be ‘sana ol’.”

Magtutungo si Taylor sa Singapore para sa kaniyang “The Eras Tour” sa darating na Marso 3, 4, 5, 7, 8 at 9. 

Ang Singapore ang tanging bansa na pupuntahan ng singer-songwriter sa Southeast Asia.