Inihayag ni Justice Secretary Jesus Crispin Remulla na “nakakahiya” ang naging pag-perform ng “sexy dancers” sa nangyaring fellowship ng National Bureau of Investigation (NBI) noong Hunyo 30.

Sa isang press briefing nitong Lunes, Hulyo 10, sinabi ni Remulla na tatlong sexy dancers ang kinuha para mag-perform sa nasabing fellowship pagkatapos ng command conference ng NBI.

“Nakakahiya po itong pangyayaring ito. Hindi po namin gusto ang nangyari,” ani Remulla.

“‘Yung ating kultura bilang Filipino tingnan rin natin. Hindi lang ito sa NBI kundi sa atin lahat mismo,” dagdag niya.

Kaso ng dengue sa ilang munisipalidad sa NCR, umabot na sa epidemic level

Ayon pa kay Remulla, nagsasagawa na rin ng internal investigation ang NBI para sa naturang insidente.

Bagama’t hindi ibinunyag ang kanilang pagkakakilanlan, sinabi ni Remulla na natukoy na nila ang mga tauhan ng NBI na kumuha ng mga “sexy dancers.” Sinubukan umano siyang lapitan ng isa sa mga ito para magpaliwanag.

“There’s an attempt (to explain) but I wanted it in writing. I want the explanation to be in writing,” ani Remulla.

Wala naman umanong pondo ng publiko ang ginamit para sa naturang palabas.

Matatandaang humingi ng paumanhin si NBI Director Medardo de Lemos sa nasabing insidente.

MAKI-BALITA: Director De Lemos, nag-sorry sa pagkakaroon ng ‘sexy dancers’ sa NBI fellowship