Masayang inihayag ng award-winning director na si Lav Diaz na kasama sa world premiere ng 76th Locarno Film Festival sa Switzerland ang pelikulang "Essential Truths of the Lake" na mapapanood sa nabanggit na bansa sa Agosto 6, 2023.

Ang naturang pelikula, ay pinagbidahan ng mag-ex partners na sina John Lloyd Cruz at Shaina Magdayao.

Mapalad si Direk Lav dahil kasama ang kaniyang pelikula sa 200 pelikulang tampok sa nabanggit na international film festival. Ang entries ay mula pa sa iba't ibang panig ng daigdig.

Hindi na bago kay Direk Lav ang pakikipagtrabaho kina Loydie at Shaina.

Quiboloy, nag-bible study habang nasa detention center

Nakatrabaho na ni Direk Lav ang Kapamilya actress sa pelikulang "Ang Panahon ng Halimaw" na kabilang sa 68th Berlin International Film Festival.

Si John Lloyd naman, naiderehe na niya sa "Hele sa Hiwagang Hapis" kasama si Piolo Pascual, na nagwagi ng Alfred Bauer prize sa 66th Berlin International Film Festival. Tumagal ang pelikula ng halos walong oras, bukod sa black and white pa ito.

Ito na yata ang unang pagkakataong magsasama sina John Lloyd at Shaina sa isang proyekto matapos ang kontrobersyal nilang hiwalayan noon.

Hindi na bago kay Direk Lav na mapabilang sa international festivals ang kaniyang mga award-winning films.