Tila nadulas ang talent manager-comedian na si Ogie Diaz matapos niyang mabanggit na magkakaroon daw ng meeting sina Vice Ganda at Awra Briguela kasama rin ang tatay nitong si Oneal Brian.

Sa latest ">YouTube ">video na Ogie Diaz Showbiz Update nitong Linggo, Hulyo 9, isa sa mga natalakay nina Ogie at ng kaniyang co-hosts na sina Mama Loi at Tita Jegs, ay ang isyu tungkol sa kinasangkutang gulo ni Awra kamakailan lang.

Ayon pa kay Ogie, hindi lang iyon ang kasalanan ni Awra sa kaniyang tatay at kay Meme Vice dahil nagsinungaling din daw ito sa kanilang dalawa.

“Akala ng tatay all-along, nakatira si Awra sa condo ni Vice Ganda ng mga six months.” aniya.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

“Iyon ang paalam ni Awra doon sa tatay na hindi alam ni Meme.” dagdag pa niya.

Kinalaunan ng kanilang mga diskusyon, dito na tila nadulas si Ogie nang mabanggit niya ang, “Ayan, so magmi-meeting daw sila.” anang Ogie.

Mapapansing napatakip na lang ng bibig si Ogie matapos niyang mabanggit ang naturang chika.

Mukhang hindi naman nakuntento ang co-host ni Ogie at sinigurado pa kung si Awra at Meme ang tinutukoy na magkakaroon ng meeting.

“Oo, magmi-meeting daw, kasama iyong tatay.” huling sagot ni Ogie.

Sa kabilang banda, bago natapos ang kanilang pag-uusap tungkol sa nasabing meeting, umaasa naman si Ogie na sana maayos at magsilbing aral ang nangyari para kay Awra.