Kamakailan lamang ay nawindang ang online world sa kumakalat na TikTok video ng isang netizen matapos palihim na kunan ng video ang nakasakayang pasahero sa isang modernized jeepney, na umano'y hawig ni South Korean superstar "Song Joong-ki."

Si Song Joong-ki ay tumatak sa iba't ibang markadong Korean series gaya ng "Descendants of the Sun," "Vincenzo," at marami pang iba.

Hangad ng uploader nitong si "Elea Phoebe Suarez" na sana ay mahagilap ng netizens ang nabanggit na kahawig ng South Korean superstar.

"Hello guys! Help us find dis guy hehe basi bala siya ni ang sa Vincenzo kag Descendants of the Sun haw sinsabi ko talaga sayu!!!!!!!," aniya.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

"Loc: BCD, and nag sakay sya sa Bata na e-jeep. Video fr Jorizel."

Sang-ayon naman ang mga netizen na kamukhang-kamukha nga ng nabanggit na pasahero si Song Joong-Ki.

Sana raw ay agad itong mahagilap at baka mabigyan ng exposure sa showbiz.

Tila nagpaka-NBI (National Bureau of Investigation) naman ang mga netizen at ginawa ang lahat nang makakaya upang mahagilap ang nabanggit na lalaki.

At tila nagtagumpay naman daw sila.

Ang nabanggit na kamukha raw ni Song Joong-ki ay nakilala umano sa pangalang "Jerome Santiago," na ayon sa pananaliksik ng mga netizen, ay isang seaman.

Sa isang Facebook page na may nakapangalang "Jerome Santiago" na may 826 followers, makikitang may litrato sila ng South Korean superstar na hindi pa kumpirmado kung totoo o edited lamang. Ibinahagi ito ng isang netizen na nagngangalang "Belle Llames."

Makikita rin ang ibang larawan dito ng nabanggit na look-alike ni Joong-ki.

Hangad ng mga netizen na sana raw ay makapanayam sa "Kapuso Mo Jessica Soho" ang nabanggit na lalaki upang mas makilala pa ng publiko.

MAKI-BALITA: Kaloka-like ni Song Joong-ki, naispatan daw sa Bacolod