May pahayag si Manay Lolit Solis hinggil sa umano'y hindi pagsama sa Kapamilya actress na si Janella Salvador sa "Star Magic Catalogue." 

Sey ni Lolit, worried daw siya sa pangyayaring ito. 

"I was worried ng malaman ko Salve na hindi isinali si Janella Salvador sa catalogue ng Star Magic. Siyempre iisipin mo agad na baka dahil sa meron na siyang anak. O baka naman hindi narin siya itinuturing na active member ng Star Magic," aniya sa kaniyang Instagram post nitong Lunes, Hulyo 10. 

72 PDL's ng Manila City Jail, naka-enrol sa PUP Open University

Sayang aniya dahil mahusay at magaling na artista si Janella. Gayunman, nasa Star Magic pa rin daw ang huling desisyon. Umasa na lang daw na magbago ang isip ng pamunuan nito na karapat-dapat aniya ilagay ang aktres sa nasabing catalogue. 

Matatandaang naging usap-usapan kamakailan ang cryptic tweet ni Janella na tila patama raw sa Star Magic.