Mukhang naisahan ang actress-TV host na si Karylle Tatlonghari ng co-host niya sa “It’s Showtime” na si Vhong Navarro matapos kumagat sa umanong bagsak presyong sasakyang binebenta nito.

Sa ">YouTube episode ng ABS-CBN I’ts Showtime noong Sabado, Hulyo 8, mapanonood ang kwentong ibinahagi ni Karylle sa naging pag-aalok daw ni Vhong sa kanilang group chat ng sasakyan sa halagang ₱300k.

Sinegundahan naman ni Vice Ganda ang pagku-kwento na rush sale binebenta ang sasakyan at kailangan ay cash.

Dito na napagkatuwaan si Karylle dahil nag-direct message na agad siya kay Vhong at hindi na dumaan pa sa group chat nila.

Marcoleta, pinigilang magtanong tungkol sa proposed ₱6.352-trillion 2025 nat'l budget

Ayon naman kay Karylle, para naman daw iyon sa kaniyang kaibigan na gusto rin sanang mag-inquire.

At dahil interesado nga si Karylle sa nasabing kotse, ipinakita muna umano ni Vhong ang larawan ng harap ng sasakyan.

Kinalaunan, binasag na ni Vhong ang plotwist na siyang ipinakita na rin ang gilid ng sasakyan na isa pa lang karo.

Hindi naman pumasok noong araw na iyon si Vhong kaya’t napasabi na lang si Karylle ng, “Vhong Navarro nasaan ka.” aniya.

Ipinakita naman ng co-host din nilang si Jugs Jugueta ang mismong larawan na sinend mismo ni Vhong sa kanilang group chat na siyang sasakyan talaga ng patay.

Sa kabila nito, humirit pa rin si Vhong na may kasamang driver na raw at nakabarong pa kapag bibilhin ang nasabing sasakyan.

Sa huli, nagtawanan naman ang It’s Showtime hosts at sinabi pa ni Vice na masaya iyong mga ganoong harutan ng magbabarkada.