Napansin ng mga netizen na tila burado na ang dalawang makahulugang tweets ng Star Magic artist na si JC Alcantara, na iniugnay sa naganap na "Star Magic Catalogue" launching kamakailan.

Sapantaha ng mga netizen na may kaugnayan dito ang kaniyang tweet, dahil naman sa inilabas ding cryptic tweet ng isa pang Kapamilya star at Star Magic artist na si Janella Salvador tungkol dito.

Usap-usapan kasing tila hindi raw naisama sa catalogue si Janella, na dahilan kung bakit hindi ito dumalo sa event. Kaya nga't naging trending pa ang "JANELLA DESERVES BETTER."

Pati ang showbiz columnist at talent manager na si Lolit Solis ay tila na-bother din tungkol dito, ayon sa kaniyang Instagram post, Lunes, Hulyo 10, 2023.

Metro

Magpinsang paslit nagkayayaang maligo sa lawa, nalunod

Samantala, hindi na makikita sa Twitter account ni JC ang nauna niyang tweet patungkol sa favoritism.

"Naol my favoritism, lagi na lang tayong option," mababasa sa tweet ni JC na ngayon ay wala na nga.

Photo courtesy: JC Alcantara/Twitter

Bukod dito, binarda rin niya ang isang netizen na kumukuwestyon naman sa pagkakapasok ng kaniyang kapatid na si Paolo Alcantara sa "Pinoy Big Brother: Kumunity Season 10 Teen Edition" noong 2022.

Photo courtesy: JC Alcantara/Twitter

Hindi na rin ito makikita sa Twitter account ng aktor, na mas nakilala dahil sa isang BL series katambal ang isa pang Star Magic artist na si Tony Labrusca.

Kung may binura siya, may panibagong tweet naman si JC kahapon ng Linggo, Hulyo 9, 2023, tungkol naman sa pagmamahal at oras.

"Don't force someone to have time for you. Don't beg for attention, love, consistency, assurance and time, because if they want, they will," ani JC.

https://twitter.com/imJCAlcantara/status/1677978063819395082

Marami naman sa mga netizen ang sumang-ayon sa kaniya.

MAKI-BALITA: Makahulugang tweet ni JC Alcantara, pasaring sa Star Magic? 

Kung titingnan naman ang verified FB account ni JC, makikitang naroon pa rin ang post at dinagdagan pa nga niya sa comment section ng mga paliwanag.

Dito ay ipinaliwanag niyang hindi Star Magic ang pinatatamaan niya sa kaniyang post.

Hindi raw niya magagawa ito dahil nasa catalogue naman siya; isa pa, iskolar pa raw siya ng head nitong si Direk Lauren Dyogi.

Isa pa, iba raw ang konteksto ng kaniyang post at tila nagkataon lang dahil sa isyu ng cryptic tweet ni Janella.

"Bakit daming triggered na fans? Yung context hindi about don! Lagi ako nag popost nito at una nasa catalogue po ako, at hindi naman ako nag hangad sa iniisip nyo? Actually scholar nga ako (ni) Direk Lauren."

"Hindi ko namn expect na dami magko-conect na 'to tapos papasok n'yo pa kapatid ko? Bakit tinamaan po kayo? guys about to sa life ko parang hindi namn kayo nakaramdam nito."

Sey naman ng isang basher, "JC Alcantara the design is very papansin and for clout kasi. Sinakto mo talaga sa release ng Star Magic catalogue yung pagpost no? Or baka nagkataon lang naman."

Tugon ni JC, "Wala nga akong alam saka ano naman paglalaban ko sa Star Magic Catalogue? Nandon naman ako, sana nag-check muna kayo lahat ng mga post ko kung bakit ako nagdadrama hahaha."