Sumalang na rin ang Kapamilya actress na si Belle Mariano sa segment na “Bag Raid” sa YouTube channel ni Darla Sauler.

Sa ">YouTube ">video ni Darla nitong Linggo, Hulyo 9, mapanonood ang halos 19 minutong bag raid ni Darla kay Belle. 

Highlights naman ng video ay ang tila pagkadulas ni Belle nang matawag niyang “Babe” ang ka-love team niyang si Donny Pangilinan.

Para sa huling 2 minuto ng video, mapapansin ang isang staff na may hawak na laruang “lato-lato” na siyang naiharap na rin kay Donny ang anggulo ng kamera.

National

2 taga-Laguna na parehong nanalo sa magkahiwalay na Lotto 6/42 draw, kumubra na ng premyo

Sa kabila nito, dito na nabanggit ni Belle ang,

“Babe, try mo ‘yong lato-lato.” aniya.

Tila wala namang nakapansin sa mga tao roon sa naging tawag na iyon ni Belle kay Donny kaya’t ipinapatuloy lang nila hamunan sa paglalaro ng lato-lato na pinangunahan ni Darla.

Sa kabilang banda, trending pa rin sa twitter simula kahapon hanggang sa mga oras na ito ang "BABE TRY MO YUNG LATO LATO.”