Sa kabila ng kaliwa’t kanang negative comments na nakukuha ng Kapuso actress-beauty queen na si Herlene Nicole Budol o mas kilala bilang “Hipon Girl”, hindi pa rin matatawaran ang pagmamahal niya sa kaniyang ina na si Lhen Timbo.

Sa Instagram post ni Herlene nitong Linggo, Hulyo 9, makikita ang larawan nilang mag-ina na tila kapansin-pansing parang magkapatid lamang daw ang dalawa sa kanilang hitsura.

Mababasa naman sa caption ni Herlene ang pagpapasalamat niya sa kaniyang ina para sa pagmamahal, pag-aalaga at pagbibigay-suporta nito sa kaniya.

Ma, salamat para sa pagmamahal, pag-aalaga at suporta na buong pagmamahal mong ibinigay sa bawat araw ng aking buhay. Ikaw at ikaw lang ang kasama ko para maglako at naghahanap ng handler para sumali sa mga Barangayan pageant kahit walang nag papansin sa atin at tumanggap sa atin non.” aniya.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Sa kabila nito, hindi pa rin nawala kay Herlene ang pagbabahagi niya ng kaniyang kwelang karanasan noon sa mga sinasalihang pageant.

“Pangarap mo maging Beauty Queen ako, pero lagi tayo umuuwi ng Best in swimsuit, Body beautiful, Best flawless at Miss Congeniality na hindi ko pa naiintindihan kung ano ibig-sabihin ng Congeniality. Akala ko noon big deal ang Congeniality at isang major award at malaking karangalan na yon. Nagtatawanan pa tayo non nung nalaman ko friendship pala ang Congeniality, sabi ko pa non, bakit hindi na lang i-diretso sabihing Miss Friendship.” aniya.

Ayon pa kay Herlene, minsan na lang siya makasungkit ng korona, hindi pa niya nakuha ang kumpletong premyo ng nasabing pageant.

“Minsan lang ako na chambahan na ma-putungan ng korona sa Binibining Angono Sining Turismo na hindi ko pa nakuha ng kumpleto ang aking premyo, kaya hindi ko na ipinagpatuloy sa linya ng pageantry. Pero sa halip hindi tayo pinalad sa pageant industry ay pinush mo pa rin ako na sumali ng Wowowin and the rest is history.” dagdag pa niya.

Sa huli, nangako naman si Herlene na uunti-untiin niya ang pangarap na sinimulan ng kaniyang ina sa kaniya.

“Ma, unti-untiin natin itupad ang pangarap na sinumulan mo para sa akin noon. Utang na loob ko ang buhay ko kung ano mayroon sa akin. Hayaan mo ako bumawi sa pamilya natin ng onti-onti. Ma, sana proud ka sa lahat ng achievement at narating ko ngayon sa buhay ko na dati nating pangarap. Pangalawang National Pageant stage na tumungtong ang Hipon Girl mo, @bbpilipinasofficial at @msgrandphilippines. I love you Ma to the moon & back. 😘😘😘,” anang Herlene.

Maraming netizens naman ang nagandahan kay Mama Lhen at inakalang magkapatid lang sila ni Herlene.

“May pinagmanahan. Kala ko ate mo. Your mom is so petty!”

“Whoaaaa thought you guys are sister! How young is your mom?”

“Parang magkapatid lang kayo, ang gaganda.”

“DIyan nagmana si Herlene sa nanay n’ya matangkad at maganda.”

“Akala ko younger sister mo, sorry!”

“She is pretty like you!”

Sa kabilang banda, sa ipinapakitang pagmamahal ni Herlene sa kaniyang ina, hindi pa rin siya nilulubayan ng kaniyang bashers.