Naka-iintrigang “blind-tem” ang pinag-usapan ng talk show host na si Cristy Fermin at ng kanyang co-hosts na sina Romel Chika at Wendell Alvarez tungkol sa isang hunk aktor noon na ubos na ang naipundar ngayon.

Sa latest YouTube video na Showbiz Now Na nitong Linggo, Hulyo 9, bukod sa mga usaping showbiz, huling napag-usapan ng mga nasabing hosts ay ang kanilang pa-”blind-item.”

Sinimulan ni Wendell ang kanilang chikahan sa pagsabi ng, isang male personality umano ang tinututukoy nila sa nasabing blind-item.

Tinanong naman ni Cristy kung miyembro raw ba ito ng isang grupo.

National

PBBM sa National Teacher's Day: 'I wish you a joyful and productive celebration'

“Oo, dati. Pero nagsolo siya kasi may humawak sa kaniya.” anang Wendell.

Simula noon ay tila raw lalong umusbong ang karera ng aktor at mapapansing sunod-sunod talaga ang kaniyang proyekto.

Ayon pa kay Wendell, may dugong banyaga ang tinutukoy nila sa kanilang blind-item.

Tinukoy rin nila na guwapo, maganda ang katawan at may abs ang aktor.

Kinalaunan, chinika na ni Wendell ang balita sa aktor kung ano na ang estado ng buhay niya ngayon.

“Ito na ang pinaka-matindi, kung ano iyong mga napundar niya noon, naibebenta na niya.” aniya.

“Syempre wala siyang proyekto, saan siya kukuha ng pang-araw-araw niya na pang-gastos, kaya no-choice siya, naibebenta niya mga gamit niya,” dagdag pa niya.

Ayon naman kay Cristy, may kapatid pa naman daw ang aktor na nagsipag-artista rin.

“Ito kaya iyong resulta o karma sa pang-iiwan niya sa unang-una niyang manager”. anang Cristy.

Para naman kay Romel, nagkaroon daw ng sakit ang aktor kaya’t bumagsak ang katawan nito.

Dagdag pa na chika ni Cristy, hindi raw tumatanggap ang aktor ng mga show noon kapag walang gym sa hotel na tutuluyan niya.

Tila pinagkatuwaan pa nila ang aktor dahil kung noon ay borta, ngayo’y torta na siya kasi bumagsak na ang kaniyang katawan.

Sa kabilang banda, ginamit nila ang tawag sa mga bulaklak upang kumpletuhin ang una hanggang huling letra ng pangalan ng aktor.

Sa huli, may ka-apelyido namang international tennis player ang kanilang blind-item.